JV Ejercito: Mga Pilipino mas magpapahalaga na sa kalusugan dahil sa UHC

Naniniwala si Senador JV Ejercito na magbabago ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa kanilang kalusugan dahil sa pagiging ganap nang batas ng Universal Health Care Act.

Si Ejercito ang pangunahing may-akda ng bersyon ng naturang batas sa Senado.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ejercito na dahil sa libreng medical consultation at abot-kayang basic laboratory tests ay mas pahahalagahan na ng mga Pinoy ang kanilang kalusugan.

Ani Ejercito, regular nang magpapakonsulta sa mga doktor ang mga Pilipino.

“The Universal Health Care law will transform the health seeking behavior of Filipinos. UHC makes medical consultation and several basic laboratory tests affordable and accessible. This will allow the people to value their health more by regularly consulting with doctors,” ayon sa Senador.

Hindi na anya bebenta ang katagang ‘Bawal magkasakit dahil magastos magkasakit’ dahil sa UHC law.

Sa ilalim ng UHC law ay awtomatiko nang magiging miyembro ng PhilHealth ang lahat ng mga Pilipino at masasakop ng National Health Insurance Program ng gobyerno.

Read more...