Gr. 11 student na bumisita sa kulungan, nakuhaan ng marijuana

MPD Station 4 photo

Arestado ang isang grade 11 student na bumisita lamang sa jail facility ng Sampaloc Police Station sa Maynila matapos itong makuhaan ng marijuana.

Nakilala ang estudyante na si Justine Ramos, 18 anyos at residente ng Sta. Mesa.

Ayon sa Sampaloc police, sa isinagawang Routine Jail Visitor’s Inspection ay tumambad ang dalang marijuana ni Ramos.

MPD Station 4 photo

Ang marijuana na tinatayang nasa P100 ang halaga ay nakasilidad sa pad paper.

Mahaharap ngayon ang estudyante sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...