Kung ang Pilipinas ay may 48-man delegation team sa The Hague Netherlands, ang China naman ay walang ipinadalang kinatawan para sa pagdinig sa usapin ng territorial dispute sa West Philippine Sea o South China Sea.
Sa unang araw ng oral argument hindi pinaunlakan ng China ang imbitasyon ng Permanent Court of Arbitration.
Sa kaniyang post sa twitter, ipinakita ni Deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang larawan ng lugar kung saan dapat naroon ang mga kinatawan ng China, at makikita sa larawan na wala isa man na nakaupo sa itininalagang pwesto.
Nag-post din si Valte ng larawan ng puwesto na inilaan sa delesyon ng Pilipinas, kung saan makikita sa larawan sina Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, Solicitor General Florin Hilbay at Philippine principal counsel Paul Reichler.
Sa isinagawang oral argument, iginiit ng Pilipinas na dahil sa nine-dash claim ng China ay naalisan ng karapatan ang Pilipinas na makapangisda sa pinag-aagawang teritoryo.