Regasco LPG, may price rollback ngayong araw

LPGMay rollback sa presyo ng liquified petroleum gas ang Regasco LPG Group.

Ayon kay LPG Markerters’ Association Party List Rep. Arnel Ty, epektibo kaninang 12:01 ng tanghali, P3.00 kada kilo o P33.00 ang kaltas sa kada 11 kilogram na LPG.

Sinabi ni Ty na dahil sa rollback, nasa P460.00 na lamang kada cylinder ang LPG ng Regasco.

Dagdag ni Ty, ang rollback na ipatutupad ng Regasco LPG group sa Luzon wide area.

Ang Regasco LPG group ay miyembro ng LPGMA.

Read more...