LOOK: Maine Mendoza, bagong mukha ng isang cosmetics brand

Naglabas ang MAC Philippines ng teaser photos ng bagong mukha ng produktong MAC Studio Fix Miyerkules ng gabi.

Ipinakita sa mga larawan ang mga bahagi lamang ng mukha pero marami na ang nakahula na ito ay si Maine Mendoza.

Ipinahiwatig din sa post ang shade ng naturang bagong MAC face.

Kalaunan ay ibinunyag na si Maine nga ang bagong mukha ng naturang cosmetics brand.

Si Maine ang unang Filipina face ng Max Cosmetics Studio fix.

Ayon sa nasabing brand, confident si Maine sa sariling kutis kaya ito ang kanilang endorser.

Matatandaan na una nang naglunsad ni Maine ng sarili nitong lipstick shade.

Read more...