Ayon kay Environment Undersecretary Sherwin Rigor, kasado na ang dry run alas 8:00 Sabado ng umaga.
Sa gagawing dredging ay magkakaroon ng silt removal sa baywalk malapit sa US Embassy.
Ayon kay Rigor, layon ng dredging na matukoy ang takbo at para tama ang paraan sa rehabilitasyon o paglilinis ng Manila Bay.
Una nang tinukoy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dredging sites na Estero de Vitas sa Tondo, Manila, Navotas River at ang palibot ng Manila Bay.
MOST READ
LATEST STORIES