Philippine Tarsier, kasama sa listahan ng most endangered primates sa buong mundo

philippine-tarsierKasama ang Philippine Tarsier sa top 25 list ng most endangered primates sa buong mundo.

Sa isinagawang pag-aaral ng ng Bristol Zoological Society sa Britain, mahigit kalahati ng mga primates sa buong mundo kabilang ang apes, lemurs at monkeys ang nasa panganib na ng ‘extinction’ o tuluyang pagkaubos.

Isinisisi ang pagkaubos ng lahi ng mga primates sa large-scale habitat destruction, partikular ang pagsusunog sa mga kagubatan at ang paghuli sa mga primates para gawing pagkain.

Sa isinagawang pagpupulong ng mga scientists sa Singapore, sinabi ni Christoph Schwitzer, director of conservation at Bristol Zoological Society na patuloy sa pagkaubos ang mga primates sa mundo na posibleng ang iba sa kanila ay ni hindi man lang pa nakikita ng mga tao. “This research highlights the extent of the danger facing many of the world’s primates,” ayon kay Schwitzer.

Ilan sa mga binanggit ni Schwitzer na paubos na ang lahi ay ang Lavasoa Mountains dwarf lemur na two years ago lamang nadiskubreat ang Roloway monkey mula sa Ghana at Ivory Coast.

Sa kabuuan mayroong 703 species at sub-species ng primates sa buong mundo.
Ang Madagascar at Vietnam ang tahanan ng malaking bilang ng threatened primate species.

Narito ang listahan ng world’s top 25 most endangered primates para sa taong 2014 hanggang 2016 kasama ang estimated na bilang ng ilan:

• Lavasoa Mountains dwarf lemur — unknown

• Lake Alaotra bamboo lemur — about 2,500-5,000

• Red ruffed lemur — unknown

• Northern sportive lemur — around 50

• Perrier’s sifaka — 1,700-2,600

• Rondo dwarf galago — unknown but remaining habitat is just 100 square kilometers (40 square miles)

• Roloway monkey — unknown but thought to be on the very verge of extinction

• Preuss’ red colobus monkey — unknown

• Tana River red colobus monkey — 1,000 and declining

• Grauer’s gorilla — 2,000-10,000

• Philippine tarsier — unknown

• Javan slow loris — unknown

• Pig-tailed langur — 3,300

• Cat Ba langur (golden headed langur) — 60

• Delacour’s langur — 234-275

• Tonkin snub-nosed monkey — less than 250

• Kashmir grey langur — unknown

• Western purple-faced langur — unknown

• Hainan gibbon — 25

• Sumatran orangutan — 6,600

• Ka’apor capuchin — unknown

• San Martin titi monkey — unknown

• Northern brown howler monkey — less than 250 mature animals

• Colombian brown spider monkey — unknown

• Ecuadorian brown-headed spider monkey – unknown

Ang nasabing listahan ay binuo ng International Union for Conservation of Nature (IUCN), Bristol Zoological Society, International Primatological Society and Conservation International at ina-update kada dalawang taon.

Sa paglabas ng nasabing pag-aaral umaasa si Russell Mittermeier, chairman ng Species Survival Commission ng IUCN, na gagawa ng hakbang ang mga pamahalaan para magpatupad ng biodiversity conservation measures.

Read more...