Nagkaaberya ang Metro Rail Transit-3 sa bahagi ng Quezon Avenue Station, Miyerkules ng tanghali.
Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, nagkaroon ng electrical failure sa kanilang motor alas 12:48 ng tanghali.
Ito ay bunsod anila ng problema sa electrical sub-components ng tren tulad ng main chopper, regulator at insulator.
Dahil dito, pinababa ang nasa 450 na pasahero sa southbound section ng Quezon Avenue Station.
Makaraang ang 14 na minuto, dumating ang skipped train para maisakay ang mga apektadong pasahero.
Matatandaang huling nagkaroon ng offloading incident sa MRT-3 noong January 13, 2019.
MOST READ
LATEST STORIES