2 umano’y big-time shabu suppliers, arestado sa Quezon

Arestado ang dalawang hinihinalang big time suppliers ng shabu sa Lucena City, Quezon araw ng Miyerkules.

Ayon kay Lucena police chief Supt. Reyndante Ariza, nahuli ang mga suspek na sina Junar Baluyot, 33-anyos, at Jarcel Paglicawan, 23-anyos, matapos bumili ang isang pulis na nagsilbing poseur-buyer sa Barangay Nuwebe bandang alas 12:30 ng tanghali.

Nakuha sa mga suspek ang 61 gramo ng shabu na sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board ay nagkakahalaga ng P112,850.

Ayon pa sa pulisya, matagal nang target ang mga suspek sa kanilang intensive surveillance operation matapos ipagbigay-alam ng isang concerned citizen ang kanilang ilegal na aktibidad.

Read more...