WATCH: TNT Boys, sinorpresa ni Ariana Grande sa show ni James Corden

Sinorpresa ni American singer Ariana Grande ang T-N-T Boys sa “The Late Late Show” kasama ang host na si English actor and comedian James Corden.

Bago ang inabangang performance ng tatlo batang Pinoy, ibinahagi ni James na idolo ng mga ito si Ariana.

Pinabati ni James ang tatlo sa American singer.

Ngunit, hindi alam ng tatlo na nanonood pala si Ariana sa backstage ng show.

Nang magsimula sa performance, biglang pumasok si Ariana sa kalagitnaan nito at naki-duet sa tatlo.

Makikita sa video ang pagkabigla at pagkamangha ng TNT Boys kay Ariana.

Kinanta ng TNT Boys at Ariana ang kantang “And I Am Telling You” ni Jennifer Holliday.

Ito na ang ikalawang guest appearance ng tatlo sa programa.

Read more...