Sa pamamagitan ng viva voce vote lumusot ang House Bill No. 4340 o panukalang “Rainwater Harvesting Facility Act,” na layuning isulong ang pagtitipid ng tubig.
Tinitiyak rin dito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng malinis na tubig para magamit sa domestic at sanitation purposes.
Sakop ng panukala ang mga bagong subdivisions, condominiums, malls, government institutions at iba pang establisyimento.
Ito’y para maiwasan rin ang mga pagbaha tuwing may bagyo o tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan.
Kapag naging batas, ang sinumang lalabag dito ay magmumulta ng mula kalahating milyon hanggang dalawang milyong piso para sa bawat taon nang hindi pagtatayo ng water harvesting facilities.