Nagdesisyon si PO2 Ferr Henrick Mangarin ng Puerto Galera Municipal Police Station na huwag ituloy ang pagsusulong ng kasong direct assault upon person in authority laban sa dayuhang si Fereshte
h Najafi Marbouyeh, 31-anyos.
Paliwanag ng hepe ng Puerto Galera Municipal Police Station na si Chief Insp. Dominador Madrid III, napag-alaman kasi nilang may mental health condition ang Iranian.
Ito aniya ang dahilan kaya pabigla-bigla ang emosyon nito gaya ng kaniyang ginawa noong Lunes nang siya ay arestuhin nang maghubad at magwala sa pampublikong lugar.
Pagdating sa istasyon ng pulisya ay sinuntok ng dayuhan at pinaso ng sigarilyo si PO2 Mangarin.
Ayon sa mga otoridad sa Puerto Galera, hiniling mismo ng pamilya ng dayuhan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila sa telepono na panatilihin ito sa kostodiya ng pulisya.
Ito ay habang hinihintay ang urgent visa mula sa Iranian Embassy sa Maynila upang siya ay maiuwi na sa Iran.