Sa abiso sa publiko ng MRT-3 maari na muling magpasok ng mga liquid item sa kanilang tren na higit 100 ml ang dami.
Kabilang dito ang inuming tubig, pabango, hand sanitizer, alcohol, lotion at iba pa.
Pero ayon sa MRT-3 ito ay sa kondisyon na kailangang dumaan sa pagsusuri ang liquid items bago maipasok.
Kung ito ay tubig, ipapanom ito sa pasahero, ii-spray kung pabango, ipapahid sa kamay kung lotion at alcohol at iba pa.
Ang pag-test ng mga pasahero sa dala nilang liquid items ay kailangang gawin sa harap ng security personnel ng MRT-3.
Samantala ayon sa LRT-2 inalis na rin nila ang ban sa bottled water at ipa pang liquid items sa kanilang tren.
Ito ay habang naghihintay sila ng guidelines na magmumula sa Office for Transportation Security (OTS).