Pang. Duterte sinabing pupugutan niya ang mga miyembro ng Chinese Triad at Sinaloa Drug Syndicate

Hindi lang ang mga Filipino na drug addict ang papatayin ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi maging ang mga miyembro ng Mexican Drug Cartel na Sinaloa at mga Chinese na konektado sa Triangle Triad.

Ayon sa pangulo, kapag hindi siya sbusy at may oras, pupugutan niya ang mga miyembro ng dalawang international drug syndicate.

Pakiusap ng pangulo sa dalawang nabanggit na drug syndicates, itigil na ang kanilang negosyo ng ilegal na droga sa bansa kung ayaw nilang masuong sa kamatayan.

Giit ng pangulo, hindi niya hahayaan na maging talamak ang ilegal na droga sa bansa.

Wala ring pakialam ang pangulo kung malalabag man ang kanilang mga karapatang pantao.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, hinatulan ng Makati court ng habang buhay na pagkabilanggo ang miyembro ng Sinaloa Drug Syndicate na si Horacio Hernandez Herrera dahil sa kasong drug trafficking.

Read more...