Pinayagan ng Malakanyang na makasama sa bagong Bangsamoro government ang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasa likod ng maraming madudugong pag-atake.
Kabilang si Abdullah Macapaar, na kilala rin bilang Commander Bravo sa 41 indibidwal na nominado ng MILF para sa itatayong interim government sa Bangsamoro.
Ito ang kinumpirma ni MILF Chairman Murad Ebrahim, na siyang inaasahang magsisilbing chief minister sa 80-member Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Sinabi ni Ebrahim na kasama si Macapaar sa isinumite nilang listahan sa Malakanyang.
Ani Ebrahim, wala namamng rekord sa National Bureau of Investigation (NBI) si Commander Bravo.
Si Commander Bravo ay sangkot noon sa pagsalakay sa mga komunidad sa North Cotabato at Lanao del Norte taong 2008.