Top 3 spot sa US Billboard nasungkit ni Ariana Grande; rekord ng Beatles, napantayan

Nakuha ni Ariana Grande ang top three spot sa US Billboard dahilan para mapantalan nito ang rekord na naitala noon ng “The Beatles”.

Ito ang unang beses sa loob ng 50 taon na muling nakuha ng isang singer ang unang tatlong pwesto sa US singles charts.

Ang titulo ay unang nasungkit ng The Beatles noong 1964.

Ang mga awitin niyang “7 Rings,” “Break Up With Your Girlfriend, I’m Bored” at “Thank U, Next” ang nanguna sa Billboard’s top albums.

Tinalo rin ni Ariana si Cardi B sa record na most simultaneous top 40 hits by a female artist.

Dahil sa sunud-sunod na tagumpay ng pop star, siya ay pinarangalan din ng Billboard bilang 2018 Woman of the Year.

Bukod pa dito, napanalunan din niya ngayong buwan ang kanyang unang Grammy sa kategoryang Best Pop Vocal Album kung saan tinalo niya si Taylor Swift.

Read more...