Oversight Committee kaugnay sa Rice Tarrification Law bubuuin ng Kamara

Nakatakdang bumuo ng Oversight Committee ang Mababang Kapulungan ng Kongreso upang silipin ang mga reklamo kaugnay sa Rice Tariffication Law.

Inihayag ito ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kasunod na rin ng pagsasabatas sa Rice Tariffication kung saan tatanggalin na ang limit sa pagaangkat ng bigas.

Ayon kay Speaker GMA, kakausapin niya sa susunod na Linggo si House Committee on Agriculture and Food Chairman Jose Panganiban na siya ring chairman ng oversight committee.

Aatasan aniya niya si Panganiban na magsagawa ng oversight hearing para silipin ang reklamo sa batas bago pa man ang ganap na implementasyon.

Sa ngayon ay kaliwa’t kanan na ang pagtuligsa sa Rice Tariffication Law kung saan ito na umano ang ikababagsak ng mga magsasaka sa bansa.

Read more...