Lady Gaga at fiance na si Christian Carino, hiwalay na

IG Photo

Hiwalay na si Lady Gaga sa kaniyang fiance na si Christian Carino.

Ang balita ay kinumpirma ng kinatawan ng singer-actress.

Hindi ito nagbigay ng detalye sa kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Ang dalawa ay naging magkasintahan noong 2017 at noong nakaraang taon ay inanunsyo ang kanilang engagement.

Naging malakas ang balita ng hiwalayan ng dalawa matapos na hindi makita si Carino sa Grammys noong nakaraang linggo kung saan tumanggap ng mga parangal si Lady Gaga.

Read more...