Mga residente sa kanayunan higit na makikinabang sa Universal Healthcare Bill

Radyo Inquirer File Photo

Ang mga mamamayan na nasa kanayunan ang labis na magbebenepisyo sa Universal Healthcare Bill na lalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang ganap na batas,

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na sa ilalim ng nasabing batas ay palalawigin at pauunlarin ang kakayahan ng pamahalaan na magbigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga nasa kanayunan.

Ito ay upang matiyak na kahit ang mga mamamayan ay nasa malalayong lugar ay nabibigyan pa rin sila ng sapat at tamang health care.

Ani Duque ang bawat lugar o komunidad ay dapat mayroong aktibo at accessible na health units na mapupuntahan anumang oras ng mga residenteng mangangailangan ng tulong sa kanilang kalusugan.

Sa ilalim din ng naturang batas, ang Philhealth ay mag-aaccredit na ng mga rural health units at city health centers.

Sinabi ni Duque na mabibigyan ng early screening ang publiko sa mga health stations at maiiwasan din nito ang pagdagsa at pagsisiksikan ng mga pasyente sa mga ospital.

Read more...