Negosyante patay matapos barilin sa compound ng simbahan sa Bacolod City

Patay ang isang negosyante matapos itong barilin habang nasa compound ng Redemtorist Church sa Bacolod City.

Nagtamo ng tatlong tama ng baril sa katawan ang biktimang si Alex Yao, 57 anyos.

Sugatan naman ang kanyang misis na si Maria Theresa, 56 anyos matapos matamaan ng bala sa kaliwang kamay.

Ayon kay Insp. Florentino Abalayan, deputy chief ng Station 2, naganap ang pananambang sa B.S Aquino Drive sa Barangay 5.

Katatapos lamang magsimba ng mag-asawa at palabas sa compound ng simbahan nang dumating ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pa.

Naisugod pa sa Dr. Pablo O. Torre Memorial Hospital si Alex Yao pero idineklara ding dead on arrival.

Read more...