Pulisya kilala na ang nagbigay ng ecstasy kay Ashley Abad

Kilala na ng mga imbestigador mula sa Cebu City Police Office (CCPO) ang taong nagbigay ng party drug na ecstasy sa dalagitang si Ashley Abad na nasawi sa bisperas ng Sinulog Festival.

Pero tumanggi muna si Chief Supt. Debold Sinas, director ng Police Regional Office sa Central Visayas na pangalanan ang taong posibleng responsable sa pagkamatay ni Ashley habang patuloy ang imbestigasyon ng kaso.

Ayaw ding magkomento ni Sinas sa susunod na hakbang ng pulisya ngayong kilala na nila ang pinanggalingan ng droga.

Pero ipinahiwatig ng police official na ang nagbigay ng ecstasy ay isa sa pitong kasama ni Ashley nang bumagsak ito sa isang event noong January 19.

Kasama sa pitong kasama ng dalagita ang boyfriend nitong si Spencer Tiu.

Una nang kinumpirma ng pulisya na namatay si Ashley sa ecstasy overdose.

Read more...