Mga nurse sa Cebu na nag-upload ng video ng isang sugatang drug suspect sinibak

Photo: Cebu Daily News

Inirekomenda ng Cebu Provincial Health Office (PHO) ang pagsibak sa tatlong mga nurse na kumuha ng video at nag-upload sa social media ng isang drug suspect na duguan makaraang makipag-barilan umano sa mga pulis.

Ang nasabing mga nurse ay naka-duty sa Tuburan District Hospital nang dalhin doon kamakailan ang sugatan na si Gembe Casas, 23-taong gulang.

Siya ay dinala ng mga pulis sa sa nasabing ospital na duguan at agaw-buhay makaraan ang kanilang isinagawang anti-drug operations.

Pero imbes na gamutin sa kanyang mga sugat dulot ng mga tama ng bala ay hinayaan lamang ng mga duty nurse si Casas na nakahandusas sa emergency room ng pagamutan.

Kalaunan ay namatay rin ang biktima dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanyang katawan sanhi ng mag tama ng bala.

Sinabi ni Provincial Health Officer Rene Catan na bukod sa pagsibak sa kanilang trabaho ay mahaharap din sa kaso ang mga hindi pinangalanang health personnel ng Tuburan District Hospital.

Sinabi pa ni Catan na hindi rin dapat na-upload sa social media ang nasabing video na paglabag rin sa umiiral na cyber law.

Read more...