Sinilbihan ng bagong mga warrant of arrest ang isang Amerikanong pari dahil sa kasong pangmomolestiya
Kinilala ang suspek na si Father Kenneth Pius Hendricks, na may kinakaharap na fice-counts ng acts of lasciviousness.
Isinilbi ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa pangunguna ng pinuno nito na si Police Director Guillermo Eleazar, katuwang ang US Department of Homeland Security, ang warrant of arrest laban kay Hendricks sa mismong detention facility ng Bureau of Immigration sa Camo Bagong Diwa, sa Taguig City.
Nauna nang inaresto ng BI Fugitive Search Unit ang pari noong December 5, 2018, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng US magistrate judge na si Stephanie Bowman dahil sa “illicit sex with a minor in a foreign country” na may parusang pagmumulta hanggang tatlumpung taong pagkakakulong.
Pero ang limang warrant of arrest na dala ng NCRPO ay mula sa Eight Judicial Region RTC Branch 16 Naval, Biliran at inisyu ni Judge Constantino Esber.
Batay sa mga nakalap na impormasyon ng mga otoridad, mahigit limampu ang biktima ng paring si Hendricks at karamihan ay mga altar boy o sakristan, na ang pinakabata ay edad pitong taon gulang.
Takot din umano ang mga biktima na magsumbong, dahil sa pagbabaanta ng pari sa kanila.
Taong 1968 nang dumating sa Pilipinas si Hendricks na nagsilbing pari sa Biliran, partikular sa St. Isidore the Worker Chapel sa Talustosan.