2 suspek sa ilegal na droga patay sa buy-bust sa Bulacan

Inquirer file photo

Patay ang dalawang hinihinalang pusher habang nakatakas ang isa pa nilang kasamahan matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Ikinasa ang buy-bust ng mga tauhan ng District Enforcement Unit ng Police Community Precinct Station 5 laban sa mga suspek na sina James Taruc alyas James, isang alyas Inad at kay Jason Panti alyas Goryo.

Nang magka-abutan na ng marked money, natunugan ng mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon dahilan para magpaputok sila ng baril at nagtangkang tumakas.

Doon na nauwi sa engkwentro ang operasyon na ikinasawi nina James at Inad, habang nakatakas naman si Goryo.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang caliber 38 revolvers at ang buy-bust money.

Patuloy naman ang dragnet operation laban sa nakatakas na suspek.

Read more...