Maraming empleyado ng National Food Authority ang nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa rice tariffication law.
Sinabi ni NFA Administrator Tomas Escarez na nakasaad sa nasabing batas na inaprubahan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte, aalisin na sa ahensya ang kapangyarihan na makapag-angkat at mag-distribute ng bigas.
Aniya, ang magiging tungkulin na lamang ng NFA ay pagbili ng palay sa mga magsasaka para magmantina ng kinakailangang buffer stock.
Mangangahulugan aniya ito na ng pagbabawas ng mga kawani o manpower.
Pero tiniyak naman aniya ng Department of Budget and Management na magkakaroon ng compensation package sa maaapektuhang empleyado.
MOST READ
LATEST STORIES