Ayon kay Casilao, lalo lamang lalaki ang problema sa pagkain at matinding kagutuman sa bansa na magbubunga ng galit mula sa mga mahihirap.
Dahil dito, mananagot anya si Pangulong Rodrigo Duterte sa galit ng mga mahihirap at magsasaka bunsod na rin ng magiging epekto ng Rice Tariffication Law.
Hindi aniya malabong maulit ang Kidapawan Massacre noong 2015 kung saan nagdemand ng tulong ang mga nagugutom na mahihirap at magsasaka pero bala ang itinugon sa kanila ng gobyerno.
Sinabi pa ng mambabatas na mula pa noong 1995 ay binabaha na ang bansa ng imported rice alinsunod na rin sa World Trade Organization – Agreement on Agriculture pero hindi naman nagawang abot-kaya o mura ang bigas sa bansa dahil na rin sa pagkontrol ng mga rice cartels.