Halaga ng pinsala ng sunog sa auto shop sa EDSA, umabot ng P10M – BFP

Umabot sa humigit-kumulang sa P10,00,000 ang halaga ng pinsala ng sunog na naganap sa isang auto shop sa EDSA, Mandaluyong City.

Ayon sa ulat na inilabas ng City Fire Marshall ng Mandaluyong, nasunog ang Prestige Autosports Center Corporation na pag-aari ng isang Raymund Lu Go.

Batay sa imbestigasyon sa pagitan ng stockroom at work area ng gusali nagmula ang apoy na mabilis kumalat at umabot sa showroom area.

Nasunog ang mga sasakyan na noon ay sumasailalim sa repair at maintenance at nakaparada sa gusali.

Mayroon ding kotse na nasa driveway ang natupok.

Ayon sa BFP Mandaluyong, anim na sasakyan ang natupok ng apoy kabilang ang isang Mustang, isang Porsche isang Subaru, dalawang closed van na pag-aari ng kumpanya at ang Toyota Sequoia ni Senator JV Ejercito.

Nagtamo din ng pinsala sa sunog ang isa pang sasakyan ng senador na Everest.

Bago ang pagsiklab ng apoy ay nakaamoy umano ang mga empleyado ng tila nasusunog na wire insulator.

Read more...