Queen magpe-perform ng live sa Oscars

Inanunsyo sa Twitter ng The Academy na magtatanghal ang British Rock Band na Queen kasama si Adam Lambert sa Oscars ceremony sa Linggo.

Ang banda ay binubuo ngayon ng mga orihinal na miyembro nito na sina Brian May at Roger Taylor habang si Adam Lambert naman ang tumatayong bokalista.

Ang anunsyo ay kasunod ng nominasyon ng blockbuster movie na “Bohemian Rhapsody” na tumalakay sa buhay ng bokalista ng banda na si Freddie Mercury.

Ang “Bohemian Rhapsody” ay may limang Academy Award nominations at kumita ng $854 million sa global box office.

Itinanghal rin ito na pinakamatagumpay na musical biopic.

Read more...