Base sa anunsyo, sa taong 2022 maaring isara ang planta sa Swindon at maaring maapektuhan ang nasa 3,500 na mga manggagawa.
Ayon kay Justin Tomlinson, miyembro ng parliament, nakausap na niya ang pamunuan ng Honda at nilinaw naman nitong walang kaugnayan sa Brexit ang napipintong pagsasara.
Global trends umano ang binanggit na dahilan ng Honda.
Ang naturang planta ng Honda sa Swindon ay nakapag-produce na ng Civic model para sa global markets sa loob ng mahigit 24 na taon.
Samantala ang Nissan at Ford ay nauna na ring nagbabala na maaring ipasara nila ang kanilang planta sa Britain.
MOST READ
LATEST STORIES