Naglulutangang cocaine sa karagatan posibleng decoy ayon sa PDEA

Dalawang anggulo ang tinitignan ngayon ng mga otoridad hinggil sa sunud-sunod na pagkakatuklas ng mga bloke ng cocaine sa karagatan.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino maaring ang nasabing mga bloke ng cocaine ay bahagi ng transshipment at dadalhin dapat sa ibang banasa.

Maari din aniyang bahagi lamang ito ng diversionary tactic ng mga sindikato n na nagpupuslit ng mas malaking bulto ng ilegal na droga.

Magugunitang sunud-sunod ang pagkakatuklas ng bloke ng mga cocaine sa Camarines Norte, Siargao, Dinagat islands at pinakahuli ay sa Quezon.

Read more...