Nasawi sa tigdas sa Central Luzon, 35 na

Umakyat na sa 37 ang bilang ng nasawi dahil sa sakit ng tigdas sa Region 3 o Central Luzon.

Ayon kay Dr. Jessie Fantone, chief epidemiologist ng DOH Central Luzon, kabilang sa nasawi ang 12 bata mula sa Pampanga, 7 mula sa Bulacan, 6 mula Tarlac, tig-4 mula sa Bataan at Zambales at 2 sa Nueva Ecija.

Dumobole rin ang naitatalang kaso ng tigdas sa rehiyon mula sa 688 ay umakyat na sa 1,395.

Pinakamaraming kaso ay sa Bulacan na umabot sa 477.

Sa ngayon sinabi ni Fantone, sa Pampanga, nasa 16,987 ang target mabakunahan ng mga health workers mula sa 19 na mga bayan at 2 lungsod.

Patuloy din ang pagsisikap ng mga health workers sa iba pang lalawigan sa rehiyon na mabakunahan ang mga bata.

Read more...