Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog sa Mandaluyong

CREDIT: EATCOMM

Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog na naganap sa Ayala Homes, Barangka, Mandaluyong City.

Tumagal lang ng isang oras ang sunog sa isang 2-storey na bahay sa bahagi ng Sampaguita Street.

Nagsimula ang sunod ala 1:41 ng madaling araw at naideklarang fire out alas 2:40 ng madaling araw.

Ayon sa Mandaluyong City Fire Bureau, isang 62 anyos na may-ari ng bahay na si Arman Liwanag ang inulat na nawawala ng kaniyang pamilya.

Matapos ang limang oras na paghahanap ng mga bumbero, isang sunog na katawan ng tao ang natagpuan sa ibabang bahagi ng bahay.

Hindi pa naman nakukumpirma kung ito nga ang katawan ni Liwanag.

Sinabi ng Mandaluyong Fire Bureau na madaming gamit sa loob ng bahay ng pamilya at bumigay ang ikalawang palapag ng bahay na bumagsak naman sa katawan ng biktima.

Read more...