PUBLIC SERVICE: Scheduled water service interruption ng Manila Water ngayong araw, Feb. 19

Mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw ang ilang bahagi ng Makati City at Taguig City.

Sa abiso ng Manila Water, mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga bukas, ay mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Barangay San Antonio.

May pipe maintenance kasi ang Manila Water sa kanto ng Yakay Street at Don Chino Roces Avenue.

Samantala, sa Taguig City naman, alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ang water service interruption sa bahagi ng Barangay North Signal Village at New Lower Bicutan.

Read more...