Dinagat, Sarangani at Surigao Del Sur niyanig ng lindol

Naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa 27 kilometers Northeast sa bayan ng Loreto sa lalawigan ng Dinagat, 12:00 ng madaling araw.

May lalim na 88 kilometers ang pagyanig.

Niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Glan sa lalawigan ng Sarangani.

Naitala ang pagyanig sa 25 kilometers Southeast sa Glan, 1:43 umaga ng Martes (Feb. 19)

Samantala, naitala naman ang magnitude 3.7 na pagyanig sa 5 kilometers Northwest ng bayan ng Marihatag sa lalawigan ng Surigao Del Sur, 3:10 ng umaga at may lalim na 74 kilometers.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng tatlong pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...