Tatlong may kalakasang pagyanig tumama sa Sipalay, Negros Occidental sa loob lang ng halos 30-minuto

Tatlong magkakasunod na pagyanig ang naganap sa Sipalay, Negros Occidental ngayong Martes (Feb. 19) ng madaling araw.

Unang naitala ang magnitude 3.5 na lindol sa 45 kilometers northwest ng Sipalay alas 4:23 ng umaga.

Sinundan ito ng magnitude 3.4 sa bahagi naman ng 67 kilometers northwest ng Sipalay alas 4:27 ng umaga.

At magnitude 3.6 sa 72 kilometers northwest ng Sipalay alas 4:46 ng umaga.

Ang unang pagyanig ay 9 kilometers lang ang lalim habang ang ikalawa at ikatlong pagyanig at kapwa 1 kilometer lang ang lalim.

Ayon sa Phivolcs pawang tectonic ang origin ng tatlong magkakasunod na pagyanig.

Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong lindol.

Read more...