Drug suspect arestado sa Mabini, Batangas

Batangas Provincial Police Office photo

Arestado ang isang 19 anyos na suspect sa anti-drug operation sa Brgy. Poblacion, Mabini, Batangas

Ayon sa Mabini Municipal Police Station, ang suspek ay si Joemar Caparros alyas Gerlyn na residente ng Brgy. Mahabang Parang, Batangas City.

Nakumpiska sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang marijuana, P200 marked money at hiwalay na P120.00 cash.

Ayon sa pulisya, si Caparros ay regular na customer sa isang beauty parlor na lugar kung saan siya nagbebenta ng droga.

Minonitor ng otoridad ang aktibidad ng suspek na nagresulta sa pagka-aresto nito.

Ayon sa suspek, mula sa Brgy. Mahabang Parang ang source ng ibinebenta nitong marijuana.

Read more...