Lalaki arestado sa buy bust sa Balayan, Batangas

Batangas Provincial Police Office photo

Arestado ang isang lalaki sa buy bust operation sa Brgy. District 11 sa Balayan, Batangas Lunes ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Marlon Caralipio, inaresto si Gerald Murillo, 36 anyos, driver at residente ng Brgy. District 8.

Nakumpiska kay Murillo ang limang sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money, isang cellphone at isang pitaka.

Dinala ang suspek sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital para sa physical examination at sa Batangas Crime Laboratory Office para sa drug test.

Ayon sa pulisya, si Murillo ay bagong pangalan sa kalakalan ng droga sa lugar.

Read more...