Breaking: Bahay sa Ayala Homes sa Mandaluyong nasusunog

Contributed photo

Patuloy ang mga bumbero sa pag-apula ng sunog sa isang bahay sa Ayala Homes sa Barangka Drive, Mandaluyong City.

Nagsimula ang sunog alas 1:41 Martes ng umaga.

Itinaas ang unang alarma alas 1:45 ng umaga.

Dakong 2:08 ng umaga ay nagdeklara ng fire under control.

Sa ngayon ay walang ulat kung may nasaktan sa sunog.

Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan at halaga ng pinsala sa ari-arian ng sunog.

Read more...