Plano ng Deped na ban ang kandidato sa graduation, welcome sa Comelec

Welcome sa Commission on Elections (Comelec) ang plano ng Department of Education (DepEd) na huwag gawing speaker sa graduation ang sinumang kandidato.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, isa itong magandang hakbang.

Hindi anya mababawalan ang mga pribadong eskwelahan na mag-imbita ng kandidato bilang panauhing pandangal sa graduation ceremony.

Pero sa public schools, napaka-pangit anyang tingnan na kandidato ang magsasalita sa graduation.

Hindi anya maiiwasan na gawing isyu na ginagamit ang resources ng gobyerno para sa kampanya kung magsasalita ang kandidato sa graduation.

Kaugnay naman ng donasyon na medalya ng mga kandidato, naiintindihan ni Jimenez na bahagi ito ng commitment ng mga pulitiko bago pa ang simula ng kampanya pero kailangan umanong maliit na value lamang ang ido-donate na medalya.

Unang sinabi ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ikukunsidera nilang ipagbawal ang pagsasalita sa graduation rites ng mga kandidato sa eleksyon ngayong taon kasabay ng campaign period.

Read more...