Inanunsyo ni Trump noong Biyernes na binigyan siya ni Abe ng anyay “most beautiful copy” ng 5 pahinang nominasyon sa Norwegian Nobel Committee.
Pero tumanggi si Abe na kumpirmahin ang nominasyon niya sa US leader.
Gayunman, may dalawang mambabatas sa Norway ang nag-nominate na kay Trump para sa naturang prestihiyosong parangal.
Ayon kay Per-Willy Amundsen, dating Justice Minister sa gabinete ni Prime Minister Erna Solberg noong 2016 hanggang 2018, ninominate nila si Trump dahil sa pagkakaroon ng positibong pagbabago sa Korean peninsula.
Mahirap anya ang sitwasyon sa pagitan ng North at South Korea pero nabawasan umano ang tensyon dahil sa “unconventional diplomatic style” ni Trump.
Kasama ang isang miyembro ng Norwegian parliamentary, sumulat si Amundsen sa award committee kaugnay ng nominasyon ni Trump.
Noong Januarya 31 ang deadline sa mga nominasyon para sa 2019 Nobel Peace Prize na iaanunsyo naman sa October 11.
Una nang sinabi ng Norwegian Nobel Committee na 304 kandidato ang nominado ngayong taon, 219 dito ay indibidwal at 85 ang organisasyon.