Dagdag presyo ng petrolyo, epektibo ngayong araw

Epektibo ngayong Martes ang isa na namang round ng dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Nag-anunsyo na ang ilang kumpanya ng langis ng oil price increase na ipapatupad ngayong araw.

Sa abiso ng Shell, Seaoil at Flying V, nasa P0.70 ang taas sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel habang P0.35 sa kada litro ng kerosene.

Liban sa kerosene, parehong presyo ang itinakda ng PTT Philippines, Petro Gazz at Phoenix Petroleum.

Simula na alas 6:00 ng umaga ang bagong dagdag presyo.

Ang panibagong oil price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo sa world market.

Read more...