Rehabilitasyon ng NAIA Terminal 2, target matapos sa March 2020

NAIA MIAA photo

Posibleng matapos ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa March 2020 ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, patuloy ang pag-aayos ng naturang terminal ng paliparan matapos itong simulan noong Disyembre.

Sa kabila anya ng mga hamon, umaasa ang MIAA na matutupad ang pangakong matapos ang rehabilitasyon sa target na petsa sa susunod na taon.

NAIA MIAA photo

Kabilang sa rehabilitasyon ang “architectural face lifting”  gaya ng pagpapalit ng mga sirang sahig, restoration at chemical cleaning ng mga maduming sahig sa arrival at departure passenger areas.

Inaayos din ang sirang mga kisame, baggage claim areas at ang elevated roadway ay papalitan habang kinukumpuni rin ang 32 sets ng skylight roofing.

Dagdag ni Monreal, ang glass doors sa pre-departure gates at fixed bridges gates ay papalitan ng metal frames at iba pang parte.

NAIA MIAA photo

Ang ilan pa sa inaayos ay ang departure check-in at arrival baggage area at magdadagdag ng airconditioning system, mga ilaw, fire protection at electronic at communication systems.

Nanawagan naman si Monreal ng pag-intindi ng publiko partikular sa mga pasahero na apektado ng rehabilitasyon ng airport.

Read more...