Breaking: Sunog sumiklab malapit sa motel sa Caloocan

Credit: Basti Mariano

Sumiklab ang sunog sa bahagi o malapit sa Victoria Court sa Tirad Pas sa Bagong Bario Caloocan City Lunes ng gabi.

Sa tweet ng Fire Alert Metro Manila, nakasaad na nasa ikalawang alarma na ang sunog.

Nagsimula ang sunog alas 9:16 ng gabi.

Credit: Basti Mariano

Sa mga larawan na ibinihagi ni Basti Mariano, makikitang inaapula ng mga bumbero ang sunog.

Hindi pa malinaw kung mismong ang motel ang nasusunog.

Sa ngayon ay wala pang idineklarang fire out o under control sa sunog.

Read more...