Bukod sa Presidential Surveys, nanguna rin si Sen. Grace Poe sa Vice Presidential Survey para sa 2016 elections ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na ginawa mula June 5 hanggang 8 ay 21 percent ang nakuha ni Poe, pero mas mababa ito sa naitalang 26% ng Senadora noong Marso.
Pangalawa sa rating si Interior Sec. Mar Roxas na mayroong 12% habang tabla sina Vice Pres. Jejomar Binay at Sen. Chiz escudero sa pitong porsyento.
Anim na porsyento ang itinaas ni Escudero habang napanatili nina Binay at Roxas ang kanilang mga rekord mula noong March survey.
Kasama sa SWS list ng posibleng Vice Presidential Bet sina Manila Mayor Joseph Estrada, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, dating Senador Ping Lacson at Senators Miriam Santiago, Alan Peter Cayetano, Loren Legarda at Antonio Trillanes IV.
Pasok din sa Vice Presidential Survey sina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Sen. Bongbong Marcos, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Sen. Bong Revilla at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
“Walong porsyento ng repondents ang walang nairekomendang Vice President habang 22 percent ang walang naibigay na sagot sa survey,” pahayag ng SWS
Magugunitang si Poe ay nanguna sa SWS at pulse asia presidential surveys matapos nitong maungusan si VP Binay./ Len Montaño