Babaeng Iranian, nagwala at nanakit ng pulis sa Puerto Galera

Arestado ang isang babaeng Iranian makaraang saktan ang pulis na umawat sa pagwawala nito sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Nakilala ang dayuhan na si Fereshteh Najafi Marbouyeh, 31-anyos.

Ayon sa ulat, sinipa, sinuntok at dinikitan pa ng upos ng sigarilyo ni Marbouyeh ang pulis.

Dinala si Marbouyeh sa kustodiya ng pulis alas 3:00 Lunes ng madaling-araw.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng lasing ang dayuhan.

Dahil dito, mahaharap si Marbouyeh sa kasong direct assault upon person in authority.

Read more...