Pinoy boy group TNT Boys balik-US para mag-guest sa show ni James Corden

TNT Boys FB

Muling bibisita ang Filipino boy group na TNT Boys bilang guest sa kilalang US talk show na “The Late Late Show with James Corden.”

Sa kanilang Facebook page, nag-post ng larawan kung saan makikita sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion patungong Los Angeles, araw ng Lunes.

Hindi pa naman tiyak kung kailangan maipapalabas ang guesting ng TNT Boys CBS talk show ng English actor at comendian.

Matatandaang una nang nagkaroon ng guest appearance ang tatlo sa “Little Big Shots” sa Amerika.

Sa ngayon, kasali ang TNT Boys sa international talent competition na “The World’s Best.”

Read more...