Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang retiradong opisyal ng militar sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Itinalaga ni Duterte si dating Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Major General Rene Glen Paje bilang DSWD undersecretary.
Pinirmahan ni Duterte ang appointment paper ni Paje noong araw ng Biyernes, February 15.
Maliban sa deputy chief of staff ng AFP Civil Military Operations, nagsilbi rin si Paje bilang commander ng First Scout Ranger Regiment.
Pinangunahan ni Paje ang isang grupo ng Scout Rangers sa kasagsagan ng Marawi siege.
Kabilang sa Paje sa mahabang listahan ng mga retiradong police at military officials sa gabinete ng pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES