Publiko hinikayat na makiisa sa earthquake drill sa February 21

Hinikayat ng Department of Science and Technology – Phivolcs ang publiko na makiisa sa unang quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa araw ng Huwebes, February 21, 2019.

Sa abiso ng Phivolcs, ganap na alas 2:00 ng hapon ay inaanyayahan ang lahat na makiisa sa eartquake drill.

Hinimok ang lahat na sabay-sabay na mag-Duck, Cover, and Hold pagsapit ng nabanggit na oras.

Layon ng NSED na masukat ang kahandaan at masubukan ang response at recovery plans sakaling tumama ang malakas na lindol.

Ayon kay DOST Undersecretary Renato Solidum Jr., umaasa ang ahensiya na mahihiyakat ng aktibidad ang publiko na mapagbuti ang disaster resilience.

Muli ring inulit ng pamahalaan na dapat ay maging handa ang publiko para sa “the big one” dahil matagal nang hinog ang West Valley fault na posibleng gumalaw anumang oras.

Read more...