Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng kaso ng tigdas sa Calabarzon region.
Sa huling datos ng Department of Health Epidemiology Bureau ng February 17, umabot na sa tatlumpu’t walo ang nasawi habang 1,875 naman ang kabuuang bilang ng kaso ng tigdas sa Southern Tagalog.
Mas mataas ito ng tatlumpu’t apat na kaso kaysa sa 1,841 na kaso ng Metro Manila.
Sa naturang rehiyon, pinakamaraming naitala ng sakit sa probinsya ng Rizal.
Sa loob lamang ng dalawang buwan, umabot na sa 136 ang nasawi at 8,000 ang kaso ng tigdas sa buong bansa.
Karamihan sa mga nasawi ay hindi nakapagpabakuna kontra tigdas.
Simula noong nakaraang weekend ay magiging bukas na rin tuwing Sabado at Linggo sa Metro Manila at mga rehiyon na may mataas na kaso ng Tigdas ayon sa DOH.
Hinikayat rin ng pamahalaan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa nasabing uri ng sakit.