Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng stop-and-go traffic scheme sa mga kalsadang daraanan ng homecoming parade ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Ibig-sabihin nito, magkakaroon ng mga oras na pahihintuin ang mga sasakyan para bigyang-daan ang parada.
Apektado nito ang ilang parte ng Pasay, Makati at Maynila partikular sa mga sumusunod na kalsada:
– J.W. Diokno Boulevard
– Atang Dela Rama (CCP Complex)
– Vicente Sotto Street (CCP Complex)
– Roxas Boulevard
– T.M. Kalaw Avenue
– Taft Avenue
– Sen. Gil Puyat Ave. (Buendia), at
– Ayala Avenue
Epektibo ang stop-and-go scheme sa araw ng Huwebes, February 21.
Samantala, sinabi ng MMDA na magtatalaga ng mahigit-kumulang 200 traffic enforcers sa kasagsagan ng parada simula alas dos ng hapon.
Aalisin din ng MMDA ang mga ilegal na nakaparada sa dadaanan ng parada.